928

Nov 30, 2021 @ 14:37
By

Bayan Muna: Pag-atras ni Go pagsagip sa gumuguhong Duterte-Marcos alliance

Naniniwala si senatorial aspirant at Bayan Muna chairperson Neri Colmenares na ang pag-atras ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ay isang hakbang upang isalba ang gumuguhong alyansa ng mga Duterte at Marcos.

“It was clear from the start that he had very little chance to win and that the President was just using him as leverage to get as many concessions as possible from Ferdinand Marcos Jr.,” sabi ni Colmenares.

Sinabi ni Colmenares na si Go ay hindi lamang isang “assistant-turned-senator” kundi ang chief political operator ni Duterte na ang layunin ay proteksyunan at makinabang sa Duterte dynasty.

“Thus Duterte groomed Go to be his shield from criminal prosecution after his term,” dagdag pa ni Colmenares.

Kahit na hindi umano aminin ng Pangulo, sinabi ni Colmenares na natatakot si Duterte sa International Criminal Court at sa reyalidad na maaaring siya ang kauna-unahang Asyano na mahatulan at makulong dahil sa Crimes against Humanity.

“But with Duterte’s daughter already hitching up with Marcos for 2022, Go was reduced to a bargaining chip for his boss,” sabi pa ng dating kongresista.

Ipinakikita rin umano ng pangyayari ang karakter ni Duterte at dapat itong magsilbing babala sa mga politiko na humihingi ng kanyang basbas.

“Ganito ang mangyayari sa mga sumasanib sa mga Duterte para sa kanilang agenda. Walang forever sa poder. Gagamitin lang kayo, iiwanan sa ere, tapos mahahatak pababa,” wika pa ni Colmenares. “May this serve as a warning to all politicians who will seek anointment from the President and his family in 2022.” (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?