61

Nov 19, 2021 @ 18:26
By

Bayan Muna nalungkot sa pagpanaw ng sakiting political prisoner

Ikinalungkot ng Bayan Muna ang pagpanaw ng isang sakiting political prisoner habang nakakulong sa Palawan.

Nag-alay ng kanyang pakikidalamhati si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at ang kanyang partido sa pamilya at kaibigan ni Antonio “Tatay Tonyo” Molila, 66, na mayroong kanser.

“While the convicted Marcoses continue to flaunt their ‘untouchability’, here is a senior, sickly, poor farmer who died because of trumped-up charges and the skewed justice system,” sabi ni Zarate.

Ayon sa kongresista hinuli si Molila noong 2019. Sa kabila ng kanyang edad at pagiging masakitin ay hindi umano ito pinayagan ng korte na makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan.

“This is truly a tragic loss of life that keeps on repeating, victimizing mostly poor people fighting for their rights,” wika pa nito.

Nanawagan si Zarate sa Korte Suprema na madaliin na ang Writ of Kalayaan at iba pang reporma na makapagbibigay ng proteksyon sa publiko lalo na sa mga mahihirap at bulnerableng sektor laban sa gawa-gawang kaso.

Si Molila ay isang aktibista na nagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at proteksyon ng mga magsasaka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?