47

Nov 22, 2021 @ 14:56
By

Bayan Muna kinuwestyon pagtanggal sa party-list ng nars

Kinuwestyon ni Bayan Muna chairperson at Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares ang pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa accreditation ng party-list group ng mga nars para sa paparating na halalan.

Sinabi ni Colmenares na maituturing na kawalang-hustisya ang ginawa sa Nurses United party-list na ang mga miyembro ay itinuturing na bayani ngayong may pandemya.

“Kung sino pa ang tunay na kakatawan sa interes ng ating mga nars at iba pang health workers, sila pa ang pinigilang lumahok sa darating na halalan. At kung sino pa ang peke at nakikisakay lamang sa hinaing ng mga inaaping sektor, iyon pa ang pinapayagan,” sabi ni Colmenares.

Ang Nurses United party-list ay nagsusulong ng pagtataas ng sahod at pagbibigay sa oras ng hazard pay at iba pang benepisyo ng mga health care workers.

“The COVID-19 pandemic has shown to us the heroism of our nurses and health workers who are at the forefront of our fight against the deadly virus. Sadly, it also revealed their sorry state – from their low salaries and benefits, abusive working conditions, and denial of their rights and dignity as essential workers,” wika pa ni Colmenares.

Nanawagan si Colmenares sa Comelec na irekonsidera ang desisyon nito. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?