70
Bayan Muna kay Duterte: Power supply agreements pag-aralang mabuti
Apr 15, 2019 @ 16:20
By

Bayan Muna kay Duterte: Power supply agreements pag-aralang mabuti

Umapela ang grupong Bayan Muna kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralang mabuti at irebyu ang lahat ng Power Supply Agreements (PSA) sa pagitan ng generation companies at distibution utilities.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ang mga konsyumer ang laging dehado kapag may aberya sa suplay ng kuryente dahil maaaring magdagdag ang mga ito sa singil kapag natapos ang konstruksiyon ng subsidiary ng electric power distributor.

“Coordinated o halos sabay-sabay nagbe-breakdwon ang mga power plant lalo na tuwing mataas ang demand sa kuryente,” ani Zarate.

Hiniling naman ni senatorial candidate Neri Colmenares sa Manila Electric Company (Meralco) na huwag gamitin ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisulong ang pitong PSA.

“Hindi ‘yung gagamitin ng Meralco ang red and yellow alerts ngayon upang itulak ang mga planta nila lalo pa ang Atimonan One sa Quezon. Nakakapagtaka din talaga at pinalusot ito ng Energy Regulatory Commission at minamadali ng Department of Energy,” giit ni Colmenares.

Sinabi pa ni Colmenares na dapat isailalim ng Meralco ang lahat ng 7 PSA’s sa Competitive Selection Process at kailangan na isumite ang power kilowatt per hour na napagkasunduan sa pagitan ng Meralco at ng sariling mga kompanya upang tiyakin na ang presyo ng kuryente ay hindi magiging mapang-api sa mga consumer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?