51

Sep 8, 2021 @ 20:10
By

Bayan Muna ipinagtaka pag-sorry ni Duterte sa pagkamatay ng Tsinoy

Nagtaka si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung bakit nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkamatay ng apat na Chinese national sa operasyon ng pulisya sa Zambales.

“Bakit ganun, kapag Chinese ‘I’m sorry!” pero kapag Filipino dudurugin ko kayo at patayin ang mga ‘nanlaban’? Mukhang mas pinoprotektahan pa niya ang mga dayuhan kesa mga sarili nyang kababayan,” tanong ni Zarate.

Nanlaban umano ang mga Chinese na nagtangkang tumakas sa operasyon ng pulisya sa Candelaria, Zambales noong Martes. Narekober sa operasyon ang P3.4 bilyong halaga ng shabu.

“Now, with the killing of the Chinese drug suspects, would Pres. Duterte order an inquest of the policemen who killed them? Wouldn’t China want a thorough investigation of the matter?” dagdag pa ni Zarate.

Ang tinutukoy ni Zarate ay ang pagsasailalim ng mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng mga suspek upang maimbestigahan at matukoy kung talagang nanlaban ang mga ito.

Nauna ng sinabi ni PNP chief General Guillermo Eleazar na ibinasura na ang naturang polisiya.

“The problem with such an investigation though is that the PNP scrapped its policy of subjecting to inquest proceedings police personnel involved in killings during anti-crime operations, particularly in the administration’s bloody campaign against drugs,” wika pa ng solon.

Nanawagan si Zarate na ibalik ng PNP ang “anti-abuse” policy upang matukoy ang mga pulis na umabuso sa kanilang tungkulin.

“Scrapping this anti-abuse policy of inquest proceedings against suspected killer cops is truly absurd, unwarranted and even irregular. This would only further embolden police brutality, more killings and worsen the current state of impunity in the country,” dagdag pa ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?