139
carlos-isagani-zarate
Jan 4, 2022 @ 15:09
By

Bayan Muna: Gobyerno walang pera sa mass testing pero may pambili missile

Kinuwestyon ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagbibigay ng prayoridad ng gobyerno sa pagbili ng mga kagamitang pandigma pero walang inilaang pondo para sa pagsasagawa ng mass testing.

Sinabi ni Zarate na mukhang ang P5024 trilyong budget para sa 2022 ay hindi para magligtas ng buhay kundi pondohan ang mga gerang pandigma at payamanin ang mga gumagawa ng armas.

“In the twilight of the Duterte administration, it is prioritizing and splurging billions of pesos to buy weapons of mass destruction, yet, it is claiming that it has no money for free, systematic widespread testing. How tragically ironic can one get when officials tell the unvaccinated to stay at home -more like a house arrest – when it is the government’s incompetence that derailed the country’s COVID-19 interventions and even slowed the vaccine roll out. This type of governance really has to stop,” sabi ni Zarate.

Ayon kay Zarate ang budget ng Philippine General Hospital (PGH), isa sa pangunahing pinupuntahan ng mga nahahawa ng COVID-19 ay binawasan ng P694.175 bilyon samantalang ang Food and Drug Administration (FDA) ay tinapyasan ng P100 milyon. Ang P45.368 bilyong pondo naman para sa booster shot ay inilagay sa uprogrammed appropriations o wala pang tiyak na pondo.

Samantalang ang Department of National Defense (DND) ay dinagdagan umano ng P15 bilyon ang pondo gayundin ang Philippine National Police na may P28 milyong pagtaas.

“While the country is still battling the renewed spiking of COVID-19 cases, it is a wonder, even a tragedy, why the Duterte administration is rushing to become the first foreign customer for the BrahMos cruise missile system jointly developed by India and Russia. The government recently allocated P2.8 billion pesos initial funding for the weapon system. The AFP is also set to buy more C130s and attack helicopters,” dagdag pa ni Zarate. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?