28

Jun 26, 2020 @ 13:35
By

Bayan Muna, Gabriela kinondena ang pag-aresto sa ‘Pride March Protesters’

Kinondena ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ang isinagawang dispersal at ilegal na pag-aresto sa mga ‘Pride March Protesters’.

“Mariin kong kinokondena ang marahas na dispersal at iligal na pag-aresto sa mga kapatid nating LGBT, kasama dito ang mga myembro ng Bahaghari, Bayan Muna at Gabriela,” giit ni Cullamat

Mapayapa naman umanong isinagawa ang protesta at sinunod ang mga heath protocol ng grupo kaya walang basehan ang pag-aresto sa mga ito.

“Hindi nila nirespeto ang karapatan para mag protesta lalo na sa hanay ng LGBTQ+ na gusto lang ipaglaban ang kanilang karapatan na kilalanin at irespeto bilang tao,” ayon sa solon.

Hiling ng solon ang agarang pagpapalaya sa mga naaresto at Itigil umano ang terorismo ng kapulisan sa hanay ng masang Filipino.

Pumalag din ang Gabriela Party-list group sa ilegal na pag-aresto sa grupo.

“We are enraged over this brazen showcase of police terror ironically against activists protesting fascism and tyranny, and against the looming enactment of the Anti-Terrorism Bill. We insist that there is now law prohibiting public assemblies during the implementation of the community quarantine. The constitutional right to peaceful assembly is not suspended even amid a health emergency,” giit ng grupong Gabriela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?