134

Oct 15, 2018 @ 16:18
By

Bayan Muna, Akbayan naghain ng CONA

Kanya-kanyang hain na rin ng kanilang Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) ang mga party-list groups.
Kabilang sa mga naghain ng CONA sa Comelec sa ikatlong araw ng filing ay ang Bayan Muna, Akbayan, Ako Bicol at 1-PACMAN.
Inisa-isa ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa mga taga-suporta ang kanyang mga nagawa sa buong panahon nang pag-upo sa 17th Congress.
Nangako rin ito na itutuloy ang pakikipaglaban para sa interes ng mga ordinaryong mamamayan at mananatiling kampeon ng mahihirap na Filipino.
“Naipanalo natin halimbawa ‘yung dagdag pensyon ng SSS (Social Security System), naipanalo din natin ang mga batas kagaya ng National Irrigation, Free College Education… pero mas tumatatak na ang Bayan Muna nilabanan niya ang TRAIN noong pinagdedebatehan ito sa Kongreso dahil ito ay kontra-mamamayan, kontra-mahihirap,” pahayag ni Zarate.
Tiniyak naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin na isusulong ang mga panukalang batas laban sa kahirapan at problema sa ekonomiya lalo na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
“Twenty years na po ang partidong Akbayan at ngayon sa 2019 elections tumataya na naman ang Akbayan hindi sa lotto kung hindi para sa sambayanang Pilipino. Ang pagtataya po ng Akbayan sa 2019 ay ang pagtataya namin bilang isang partido na anti-taas presyo,” sabi ni Villarin.
Alam po natin na sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang inflation po para sa pagkain ay umabot na ng 10 percent… Fifty-two percent ng Pilipino ay nagsabing sila ay nakaranas ng kahirapan sa ngayon,” dagdag ng kongresista.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?