Nanawagan ng hustisya si Kabataan party-list Rep. Sarah Elago sa nangyaring pagkasawi ng isang lider ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).
Sa anunsiyo ng human rights group na Karapatan, sinabing ngayong Linggo ay ni-raid ng mga kapulisan at sundalo ang Workers’ Assistance Center sa Dasmariñas, Cavite.
Doon umano ay binaril ang Bayan Cavite coordinator na si Manny Asuncion, at nasawi.
Sa Twitter, nagbigay-alerto ang mambabatas tungkol sa “operasyong mala-tokhang” na serye aniya ng “iligal na pag-aresto at pamamaslang” sa mga aktibista at labor union organizers sa Cavite, Rizal, Laguna ngayong March 7.
Nilakip din niya ang hashtags na #JusticeForMannyAsuncion, #StopTheAttacks, #StopTheKillings, at #EndImpunity.
URGENT ALERT: Operasyong mala-tokhang na serye ng iligal na pag-aresto at pamamaslang sa mga aktibista at labor union organizers sa Cavite, Rizal, Laguna ngayong araw! #JusticeForMannyAsuncion #StopTheAttacks #StopTheKillings #EndImpunity https://t.co/LWOElRgAO8
— Sarah Elago (@sarahelago) March 7, 2021