25

Jan 26, 2021 @ 17:19
By

Bayan: Itigil red-tagging, ibalik mga peace talk!

Nanawagan ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa gobyerno na itigil na nila ang pangre-redtag at buhayin na lang muli ang mga peace talk.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bayan secretary-general Renato Reyes na oras na para itigil ang pangre-redtag at alamin ang pinag-uugatan ng mga armadong tunggalian.

“It is time to end red-tagging and instead address the roots of the armed conflict. We call on the people to support efforts to address the root causes of the armed conflict and push for the revival of the peace talks,” saad niya.

Kaugnay ito sa ginawang red-tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa mga unibersidad sa National Capital Region.

Bukod sa University of the Philippines, dawit din ang Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU), University of Santo Tomas (UST) at Far Eastern University (FEU) sa mga kuta umano ng recruitment para sa partidong komunista.

Ani Reyes dapat na may basehan ang mga paratang na ito ng mga militar.

“The Government should immediately direct all military officers to cease making public statements linking political or other civil society groups to those engaged in armed insurgencies,” sambit niya.

“Any such characterizations belong solely within the power of the civilian authorities. They must be based on transparent criteria, and conform with the human rights provisions of the Constitution and relevant treaties,” dagdag pa nito.

Matatandaang naglabas ng joint statement ang ADMU, UST, DLSU at FEU kaugnay sa alegasyong ito.

Pinabulaanan nila ang mga paratang ni Parlade na recruitment ground ng New People’s Army ang kanilang institusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?