1,994

By

Bayan ang nagpapasweldo sa militar, hindi ikaw! – Sereno kay Duterte

Sharing is caring!

Sa buwis ng taumbayan at hindi sa bulsa ni Pangulong Rodrigo Duterte nanggagaling ang pinataasang sweldo at benepisyo ng mga sundalo.

Paalala ito ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil pinalilitaw umano ng pangulo na siya ang nagbibigay ng benepisyo sa mga sundalo, pati na sa pulisya.

Ibinatay ito ni Sereno sa udyok kahapon ni Trillanes sa militar na tumalon na kay Trillanes ang mga sundalo na may makukuha ritong benepisyo.

“And when the president said (sa mga sundalo) na kung may maibibigay si Trillanes dun na kayo. He is basically saying that those benefits come from him,” sabi ni Sereno.

“No, Mr. President! Those allowances and salary increases come not from you, they do not come from any politician, they come from hard-earned taxpayers’ money,” giit pa nito.

Umalma rin si Sereno sa madalas daw na pag-aangkin ng Pangulo na tauhan niya ang mga sundalo.

“And i have noticed that the president has the tendency to use the possessive pronoun ‘mine to descirbe the military the police. I hope he does not come to the point where he says that the taxpayers’ money is his as well,” sabi pa nito.

Tinuligsa rin ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat sundin ng mga sundalo ang pangulo na nagbigay dito ng pinalaking benepisyo.

“In Secretary Roque’s mind, the AFP is swayed by material self- interest and not genuine service to the filipino people,” sabi pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?