14

May 4, 2021 @ 21:53
By

Bayad-utang sa pensyon ng mga sundalo isinama sa Bayanihan 3

Nilagay sa Bayanihan to Arise As One (Bayanihan 3) ang pondo para mabayaran ang utang ng gobyerno sa pensyon ng mga retiradong sundalo at unipormadong tauhan ng pamahalaan.

Ayon kay Quimbo hiniling ng Department of Budget and Management (DBM) na isama ang P54.6 billion pension and gratuity fund (PGF) ng retired military and uniformed personnel (MUP).

“Ni-request ito ng DBM… kung sumusubaybay kayo sa mga ganap sa House ito ‘yung na-cut doon sa 2020 (budget) so kailangan natin i-restore ‘yan kasi utang natin ‘yan sa mga sundalong nag-retire, talagang we cannot avoid that, kailangang mabayaran,” sabi ni Quimbo.

Binawasan ng Kamara de Representantes ang PGF sa ilalim ng 2020 national budget at inilipat ito sa ibang proyekto.

Ayon kay Quimbo ang pondo ay magsisilbi ring morale booster sa mga sundalo na bahagi ng frontline worker.

“Actually ang mga sundalo natin also considered as one of the frontliners and magandang morale booster ‘yun na kung ikaw ay sundalo and as a front liner ka, at alam mong inaalagaan ka ng gobyerno sa iyong pag-retire, malaking morale booster din ‘yun. So tingin ko related pa rin siya sa COVID response in that way,” paliwanag ni Quimbo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?