67

Apr 16, 2020 @ 20:29
By

‘Bayad-utang’ ni Imee dinedma ng Palasyo

Dinedma at hindi sinang-ayunan ng Malacañang ang panukala ni Senador Imee Marcos na huwag na munang magbayad ng utang ang Pilipinas sa ibang bansa para matugunan ang pangangailangan ngayong may banta ng COVID-19.

Nitong Martes kasi ay hiniling ng 64-anyos na senadora sa Pangulo na pangunahan ang diyalogo at bigyan ng palugit ang mga bansa sa Asya at Africa na may maliit na ekonomiya.

“President Duterte should lead the charge and immediately initiate urgent international dialogue and cooperation in dealing with the economic damage being wrought by COVID-19. There can be no doubt that a united and global effort will be necessary to protect our employees and businesses, to find a pathway to economic recovery,” wika ni Imee.

Nauna rito, nitong Abril 15 ay hindi rin tinanggap ng Department of Finance ang hiling ng senadora kaya Malacañang na ang kinatok nito pero tila sinaraduhan din ito ng pintuan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?