34
Bayad sa mga supplier ng mga election material, inipit ng Comelec
May 22, 2019 @ 15:41
By

Bayad sa mga supplier ng mga election material, inipit ng Comelec

Nagpasa ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) para i-hold muna ang bayad para sa mga supplier ng mga election material na ginamit noong May 13 elections.

Ayon kay Comelec chair Sheriff Abas, ini-hold ang bayad habang nagsasagawa pa ng pagtse-check ang kanilang law department kung may ilang supplier ang lumabag sa breach of contract.

“Titingnan natin kung may violation of contract at kung may mga penalties na puwedeng i-impose against them,” ani Abas.

Matatandaang ilang mga vote-counting machine, marking pen at iba pang election paraphernalia ang nagkaaberya noong eleksyon na nagpaantala sa botohan.

Samantala, sinabi ni Abas na meron mang glitches ay natural lamang ito at ang mahalaga ay walang nangyaring dayaan sa katatapos na halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?