27

Jan 8, 2022 @ 9:53
By

Bayad para sa mga volunteer doctor pinadagdagan ni Duterte

Tataasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ibinibigay na insentibo para sa volunteer medical doctors at nurses na tumutulong sa pagtugon sa problema sa COVID-19.

Sa harap ito ng muling pagtaas ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa pagpasok ng Enero.

Naliliitan ang Pangulo sa P5,000 na ibinibigay ng Department of Health (DOH) sa volunteer post graduate interns kapalit ng pagharap ng mga ito sa panganib na maaaring maglagay rin sa kanila sa peligro dahil sa COVID-19.

“I think that the P5,000 is masyadong maliit ngayon considering the attendant danger to the guys, they should be given more. You take into account the possibility of danger na they themselves will get because they have to go near and they have to treat those people,” anang Pangulo.

Dahil dito sinabi ng Presidente na dadagdagan niya ang bayad para sa mga ito para mayroong kunsuwelo ang mga volunteer na tutulong sa pagtugon sa pandemya.

Maghahanap aniya ito ng pondo para madagdagan ang ibinibigay sa mga volunteer doctors at nurses.

“I will raise the amount, tutal ano ba naman yang pera? Ubusin natin yang pera ng gobyernong ito para sa inyo. But I do not think that we will run out of money. Nandiyan naman ang World Bank eh, manghiram tayo kung wala nang pera,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?