244

Jun 18, 2021 @ 15:44
By

Bayad ako ng tax! K Brosas ayaw magpasalamat kay Duterte sa bakuna

Walang dapat ipagpasalamat sa Duterte administration para sa libreng bakuna.

‘Yan ang paniniwala ng singer at aktres na si K Brosas nang buskahin ng isang netizen matapos ibahagi ni K ang kanyang pagpapaturok sa social media.

Sey ng netizen, “Wala bang Salamat Duterte dyan?”

Patama naman ni Brosas, “Salamat at nagbabayad ako ng tax ko so thanks to myself hehe.. wish ko sana all may vaccine na, bow. Kung wala pa kayo, magtanong sa dapat tanungin kasi libre ito (dapat lang).”


Sinvac ang itinurok kay Brosas, kung saan pinasalamatan niya ang kanyang ‘Sing Galing’ at Cignal family.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,