217

By

Bawas-presyo sa gamot para sa diabetes, high cholesterol, hypertension sa 2019

Sa unang araw ng bagong taon ay mababawasan ang presyo ng mga gamot para sa diabetes, high cholesterol at hypertension.

Ito ay dahil tatanggalin na ang 12 percent value added tax (VAT) sa mga gamot alinsunod sa nakasaad sa TRAIN Law.

Inilabas na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Revenue Regulations 25-2018 para sa pagpapatupad sa VAT exemption sa mga prescription drug para sa cardiovascular diseases at diabetes simula sa Enero 1, 2019.

Ngunit nilinaw din ng kawanihan na ang mga imported na gamot para sa mga naturang sakit ay papatawan pa rin ng VAT.

Ang Food and Drug Administration (FDA) naman ang magsasapubliko ng mga gamot na VAT-exempted sa pamamagitan ng BIR website.

Maging ang mga bagong gamot para sa mga naturang sakit na wala nang VAT ay ilalathala rin ng FDA sa website ng BIR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?