194

Oct 28, 2021 @ 9:49
By

Bawal sa ‘kamote driver’! Lisensyang 10 taon ang buhay ilalabas na

Simula ngayong Huwebes, Oktubre 28, ay maglalabas na ang Land Transportation Office (LTO) ng driver’s license na 10 taon ang validity.

Gayunpaman, para sa mga magre-renew ng lisensya, hindi pasok sa mga pwedeng magkaroon ng 10-taong validity ang may record ng paglabag sa batas trapiko.

Samantala, ang 10-taon lisensya ay sakop ang professional at non-professional license.

Ang pagkakaroon ng 10 taon validity ng lisensya ay nasa ilalim ng Republic Act No. 1093, kung saan nakasaad na ang unang lisensya, professional o non-professional, ay magtatagal ng limang taon at sa pagre-renew nito ay pwede silang mabigyan ng 10 taong lisensya kung wala silang nalabag na batas-trapiko sa loob ng unang limang taon ng kanilang lisensya.

Bukod dito, idinagdag ng LTO sa mga requirement para makapag-renew ng lisensya ang comprehensive driver’s exam, na maaaring pagdaanan ng face-to-face o online sa pamamagitan ng website na portal.lto.gov.ph.

“Pwede namang ulitin (in case bumagsak). Kailangan ma-answer mo correctly at least 50%,” pahayag ni LTO chief Edgar Galvante patungkol sa naturang exam. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?