9

Feb 13, 2021 @ 20:19
By

Bawal plastic muling ipatutupad sa QC

Inanunsyo ng Quezon City government na ikakasang muli ang ban sa paggamit ng mga plastic bag at single use plastic sa lungsod simula Marso 1.

Unang ipinatupad ang plastic ban sa QC noong Enero 2020 pero inalis noong Mayo.

Naglabas na si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng memo na nag-aatas sa mga mall, supermarket, fast food chain, drug store at iba pang tindahan na ihinto ang pagbibigay ng plastic bag sa mga kostumer.

Dagdag niya, ngayong taon ay papayagan pa ang paggamit ng mga brown paper bag sa mga grocery at iba pang retail store pero pagpatak ng 2022 ay ipagbabawal na rin ito.

“We will not allow the retailers to use plastic bags anymore at the check-out counters. Kailangan nang magdala ng mamimili ng sarili nilang reusable bags,” wika ni Belmonte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?