133

Dec 23, 2020 @ 21:49
By

Bawal paputok sa Valenzuela

Inanunsyo nitong Miyerkoles ng Valenzuela City government na ban ang anumang uri ng paputok sa lungsod.

“Mahigpit na ipagbabawal ang paggawa, pagbebenta, pamamahagi, pagmamay-ari, paggamit o paglalaro ng mga paputok at ng pyrotechnics devices sa Valenzuela City. Alinsunod ito sa Ordinance No. 833, Series of 2020,” tweet ni Mayor Rex Gatchalian.

Nakasaad sa ordinansa na sinumang lalabag ay papatawan ng multang P5,000 o kulong ng hanggang 30 araw.

Ang mga negosyante namang patuloy na gagawa ng mga paputok sa siyudad ay masususpinde ang permit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?