377

Dec 26, 2017 @ 17:09
By

Bawal na paputok inanunsiyo na ng PNP; mga lalabag aarestuhin

Inanunsiyo na ng Philippine National Police (PNP) ang mga bawal na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid, batay sa Executive Order No. 28, bawal gamitin nang sinuman ang paputok na picolo, super lolo, whistle bomb, goodbye earth, atomic big triangulo, judas belt at watusi.

Aniya, sinumang mahuhuling gagamit nito ay siguradong aarestuhin.

Batay sa pinakahuling ulat ng PNP, anim na sibilyan na ang kanilang nahuling nagbebenta ng iligal na paputok, isa rito ay nadakip ng Police Regional Office (PRO) 1 at lima sa PRO 5.

Paliwanag pa ni Madrid, sa EO 28 ang mga local government units ang nakatalagang mag-designate o pumili ng mga lugar para sa community fireworks display zone at firecrakers zone.

Layunin ng hakbang na itong matiyak na ligtas ang lahat para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?