18

Jun 24, 2021 @ 9:59

Bawal maglasing sa Tokyo Olympics

Ban ang alak sa Tokyo Olympics kung saan mismong mga residente ng Japan ang tumulak sa pagbabawal ng nasabing inumin.

Kinumpirma ito ni Tokyo 2020 organising committee president Seiko Hashimoto, dinahilan nito ang kaligtasan ng mga manonood sa banta ng COVID-19 pandemic.

“Realizing safe and secure games is what the organizing committee wants the most, and we are responsible for making that happen,” ayon kay Hashimoto.

“If the Japanese people have even a slight sense of worry, then we must give up,” aniya pa.

Ilang report ang nagsabi na kinokonsidera ng mga organizer na payagan ang pagbebenta ng alak dahil sa pressure mula sa kanilang sponsor na Asahi Breweries.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?