72

Oct 13, 2020 @ 23:46
By

‘Bawal Lumabas’ ni Kim Chiu gagawing series

Excited si Kim Chiu dahil magiging series ang viral meme niyang “Bawal Lumabas”.

Sa Instagram post, sinabi ni Kim na sa kabila ng mga pambabatikos sa pahayag niya, hindi niya iyon pinagsisisihan.

“5 months ago I was lost, down and hopeless but never did I regret anything… anything that I said and stand for.

“But in the middle of everything that has happened, I didn’t lose my faith in HIM. Alam ko naman binibigyan tayo ng pagsubok ng Panginoon dahil alam niya ang kakayahan natin, para pagtibayin pa tayo lalo,” aniya.

Nang makita ang teaser ng upcoming series niya, sinabi ni Kim na nagka-tears of joy siya.

“First time kong makita to kanina…. bumalik lahat.. naiyak ako ng masaya. Grabe. Salamat po. wala ako masabi.”

View this post on Instagram

“𝐅𝐨𝐫 𝐈 𝐤𝐧𝐨𝐰 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐬 𝐈 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮, 𝐝𝐞𝐜𝐥𝐚𝐫𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐫𝐝, 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐬 𝐭𝐨 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐩𝐞𝐫 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐧𝐝 𝐧𝐨𝐭 𝐭𝐨 𝐡𝐚𝐫𝐦 𝐲𝐨𝐮, 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐬 𝐭𝐨 𝐠𝐢𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐡𝐨𝐩𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐚 𝐟𝐮𝐭𝐮𝐫𝐞." 𝐉𝐞𝐫𝐞𝐦𝐢𝐚𝐡 29:11 . . . 5 months ago I was lost, down and hopeless but never did I regret anything,… anything that I said and stand for. I lost my confidence and questioned myself. But in the middle of everything that has happened, I didn’t lose my faith in HIM. Alam ko naman binibigyan tayo ng pagsubok ng Panginoon dahil alam niya ang kakayahan natin, para pagtibayin pa tayo lalo. Nag papasalamat ako sa Lahat ng nangyayri. Pinapakita lang sa atin that BETTER DAYS ARE COMING.🙏🏻🤍 Tiwala lang at wag makakalimot magpasalamat!❤️🙏🏻. . . First time kong makita to kanina…..🥺 bumalik lahat,.. naiyak ako ng masaya.❤️ grabe. Salamat po.🤍 wala ako masabi.☝🏻 . . Salamat #djsquamy and @hoybekind And maraming salamat po sir @montie08 @dreamscapeph ❤️💙💚 #BAWALLUMABASTHESERIES

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

Nagsimula ang mga “Bawal Lumabas” meme nang ikumpara niya ang cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN sa mga classroom rule.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?