8

By ,

Bautista, Tan kabalyero ng AFP laban sa DOJ

Sharing is caring!

Mga Laro sa Linggo:

(Pasig City Sports Center)

2 p.m. – AFP vs DOJ

3:30 p.m. – Malacanang vs Ombudsman

5 p.m. – Judiciary vs NHA

Anim na koponan pa ang magpapakitang-gilas kasama ang runner-up Malacañang-Philippine Sports Commission at two-time champion Armed Forces of the Philippines sa 7th UNTV Cup sa Pasig Sports Center.

Magkakasagupa ang AFP Cavaliers at Department of Justice Boosters sa ganap ng alas-dos ng hapon sa Group A match, kasunod ang bugbugan ng Malacañang-PSC Kamao at Ombudsman Graftbusters sa alas-tres.

Isa pang laro sa Group B ang matutunghayan sa Linggo sa pagitan ng Judiciary Magis at National Housing Authority Builders sa ganap na alas-singko ng hapon.

Makakatabla ng Senate ang sinumang mananalo sa laro sa pagitan ng AFP at DOJ.

Pangungunahan nina Boyet Bautista at Eugene Tan ang Cavaliers habang sasandalan naman ng Justice Boosters siba Reynold Munsayac at Jan Arnie Polican.

Si Special Assistant to the President Bong Go ang magiging pambato ng Kamao kasama sina John Paul Yamamoto, Ian Garrido at Visnu Das Javier.

Pangungunahan nina Court Administrator Midas Marquez, Don Camaso at Warren Ybanez ang Magis habang magiging alas naman ng Builders sina Alvin Vitug, Antonio Lustestica at Marvin Mercado.

Ang magiging kampeon ng torneo ang kanilang charity ay makakatanggap ng P4 milyon habang ang runner-up naman ay makakatanggap P2 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?