35

By

Bautista muling iniligtas ang ‘Pinas

Sa pangalawang sunod na buwan, naiiwas ni Clinton Kingsley Bautista na mangitlog ang 3-katao koponan ng Pilipinas sa isang torneo na panghimagas para sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.

Dinakma ng 25-year-old, Tarlac native ang silver medal sa 2018 (South) Korean Open Athletics Meet, kumakasang pumangalawa sa men’s 110-meter hurdles sa clockings na 14.29 seconds sa pagbuntot kay gold winner Rio Maholtra ng Indonesia na may 14.22s.

Sablay sa podium finishes sina long jumpers veteran Janry Ubas at reigning National Open champion Julian Reem Fuentes sa disiplinang pinagwagian ni Indionesian Sapwaturrahman Sapwaturrahman sa 7.98 meters.

Pumang-apat lang si Ubas sa 7.58 meters, habang panlima si Fuentes na naka-7.42m.

Magugunitang si Bautista rin ang sumagip sa bansa na hindi mabokya sa medalya sa Mayo 11-13 na 95th Malaysian Open Athletics National Championships 2018 sa Kuala Lumpur tapos maka-bronze sa nasabi ring event sa 14.27.

Pumanlima lang din sa men’s long jump si Fuentes at ikawalo lang si Anfernee Lopena sa men’s 100m dash. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?