51

By

Bautista, Basilan titirisin ang Nueva Ecija

Mga laro Sabado/Nob. 16:

(Lamitan Sports Complex)

7:00pm — Imus vs Manila

9:00pm — Basilan vs Nueva Ecija

Sasandalan ng Basilan si Jerald Bautista sa kanilang 9pm encounter kontra Nueva Ecija sa 3rd MPBL Lakan Cup sa Lamitan Sports Complex.

Gumawa ng 17 markers si Bautista sa kanilang huling engkuwentro kontra Quezon City Capitals para sa ikatlong sunod na tagumpay.

Papabida rin sa Basilan sina Jay Collado at Gab Dagangon na kumubra ng tig-13 markers para dalhin ang Steels sa 5th spot ng Group B South Division sa hawak na 12-8 kartada.

Tatapatan naman sila ni John Paul Sarao sa Rice Vanguards, kumulekta ang manlalaro ng 14 puntos sa huli nilang laban.

Aagapay sa Rice Vanguards si former TNT guard Jimbo Aquino para pagandahin ang 5-14 baraha ng koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?