1,943

Feb 23, 2020 @ 18:15
By

Bato: Wala akong P25M na relo!

Pinabulaanan ni Senador Bato Dela Rosa ang kumalat sa social media na nagsusuot siya ng Richard Mille watch na nagkakahalagang $500,000 o P25 milyon.

Ayon kay Dela Rosa, hindi mamahaling Richard Mille na relo ang kanyang gamit kundi isa lang Invicta watch na nagkakahalagang $139.99 o P7,124.

“Tingnan mo naman how desperate itong mga bayarang trolls just to destroy the reputation of a person,” pahayag ni Dela Rosa kanyang Facebook post.

Sabi ng dating Philippine National Police (PNP) chief, binigyan umano siya ng kanyang kaibigang si “Roy Rondilla” ng Invicta at hindi isang Richard Mille watch.

“Ang suot kong murang relo na Invicta pilit na gawing Richard Mille. Tingnan mo, ugok, ang totoong relong suot ko nasa nasa last picture. Bring it on yellows and oligarch puppets!” sabi ng senador.

Biniro pa nito ang kanyang kaibigan na si Rondilla na sa susunod ay Rolex na lang ang ibigay na regalo.

Naunang maglabas ang isang Nico Nicdao sa Twitter ng litrato na sinasabing may suot na Richard Mille watch si Bato.

“Bato really out there wearing a Richard Mille watch worth US$500,000,” sabi ni Nicdao sa caption ng kanyang photo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?