56

Nov 29, 2017 @ 20:08
By

Bato, ‘wa paki’ sa pagtanggal sa Duterte-themed mobile games ng Apple

Ipinagkibit-balikat lang ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagkakatanggal sa Apple Store ng mga mobile application na may temang war on drugs ng Duterte administration.

Ayon kay Bato, wala naman siyang kinalaman sa mga tinanggal na mobile app dahil hindi naman siya ang gumawa ng mga ito at hindi rin siya kumikita dito.

Pero kapansin-pansin aniya na sa dami ng bayolenteng mobile game app sa Apple Store, ang may temang war on drugs lang ang ipinatanggal ng isang grupo sa Apple.

“Well number 1 hindi ako gumawa niyan. Number 2, hindi ako nakinabang diyan. Baka sabihin n’yo kumita ako, number 3 sila nag-control ng social media niyan, so it’s all up to them kung paano nila gawin. Basta ako wala akong kinalaman sa bagay na ‘yan,” sabi ni Dela Rosa.

Kabilang sa mga tinanggal na laro sa Apple Store ang Duterte knows Kung Fu: Pinoy Crime Fighter at Tsip Bato: Ang Bumangga Giba! kung saan makikita ang mga character nina Bato at Duterte na pumapatay ng mga kriminal. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?