4,481

By

Bato ‘tinabla’ si Digong dahil kay Sara

Hindi nasunod ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-gobernador si dating Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa darating na 2019 midterm elections dahil kinuha itong pambato sa pagka-senador ng partido ni Davao City mayor Sara Duterte.

Pabirong sinabi ng Pangulo na nasunod ang kagustuhan ng kanyang anak na tigasin kaya hindi na tatakbo sa pagka-gobernador ang kanyang ‘manok’.

“Sabi ko, “I want you to run for governor.” Eh na-overrule ako nitong tigas, “No, you run for…” Kasi sabi niya kung ano lang ang gusto ni mayor. Hindi – kasi ako they call me mayor, I do not want to be called president, if you call me president I will not answer you. Nung pagsabi na ano, “Kung ano lang ang gusto ni mayor.” Eh dalawang mayor, ang sinunod ni Bato ‘yung kay Inday kasi dalawang mayor ‘yun daw… — hindi man mayor kung tatay ba o ‘yung… O sige,” anang Pangulo.

Sinabi ni Duterte na ginagarantiyahan niyang hindi mabibigo ang mga tao kay Bato dahil bukod sa produkto ito ng Philippine Military Academy ay marunong aniya ito.

Kasama ang pangalan ni dela Rosa sa mga kandidatong ikinampanya nito na sana ay suportahan ng mga taga-Mindanao sa darating na eleksiyon.

“Nandiyan pala si Senator Bato. I recognize you, oo. ‘Yan, panaluhin ninyo ‘yan. It has been the source of friction eh si Inday. Para itong pogi na pinag-agawan namin ni Mayor Inday. But I guarantee you, that guy he’s a PMAer marunong rin. During his time, may mga division konti but it was with the…,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?