81

Oct 8, 2021 @ 16:56
By

Bato tatakbong presidente

Naghain na rin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-presidente sa 2022 elections.

Sabi ni PDP-Laban secretary general Melvin Matibag, si Dela Rosa ang standard bearer ng PDP-Laban at running mate niya si Senador Christopher “Bong” Go.

Inihain ni Dela Rosa ang kanyang COC sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Hotel sa Pasay City.

Abangan ang karagdagang detalye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?