21

Jul 5, 2020 @ 14:22
By

Bato sinusulong DNA database

Bibilis umano ang paglutas sa mga krimen kapag nagkaroon na ng database ng forensic DNA (Deoxyribonucleic acid) sa bansa, ayon kay dating Philippine National Police chief at ngayo’y Senador Bato Dela Rosa.

Magagamit din aniya ang DNA analysis sa pag-absuwelto ng isang suspek na napagbintangan lang, at pagtukoy ng mga nawawalang kamag-anak ng isang tao.

Dahil dito, hinain ng senador ang Senate Bill No. 1577 o ang Forensic DNA Database Act.

“It can be used to identify criminals with scientific accuracy when biological evidence exists,” saad ni Dela Rosa sa panukala.

“Having a DNA database has other uses such as establishing paternity and other family relationships and the identification of disaster victims and missing persons,” aniya pa.

Nakasaad sa panukala na ang hahawak sa DNA Database ay ang PNP.

Sinumang mapatutunayang nanira ng DNA records ay makukulong hanggang 12 taon o magmumulta ng halagang hindi bababa sa P600,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?