25

Oct 12, 2017 @ 13:54

Bato: Sayang, wala na sa PNP ang anti-illegal drug ops

Nanghihinayang si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na mawawala na sa kanila ang pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) na ang mangunguna sa pagsasagawa ng mga anti-illegal drugs operation at susuporta na lamang ang ibang law enforcement agencies.

Ayon kay Dela Rosa, 100 porsiyento pa naman ng resources ng Philippine National Police nang nakalipas na taon ay ibinuhos sa war on drugs  kaya raw nakakapanghinayang.

Ngayon nabawasan na aniya ang kanilang problema sa iligal na droga,  itutuon na lamang nila ang kanilang trabaho sa iba pang krimen.

“Hayahay na kami ngayon. You can just imagine, binuhos namin ang lahat halos 100 percent ng resources ng PNP for the last year, Eh ‘di now we can focus on other crimes, hindi lang drugs at bawas na rin sa problema namin. Pero yun nga lang nasasayangan ako dahil yung gains,” Sinabi ni Gen Dela Rosa.  (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?