30

Oct 10, 2021 @ 13:56
By

Bato sa pagtakbo niyang pangulo: Di ko ‘to pinlano, bahala na si Lord

“Hindi man natin ito pinapangarap. Hindi ko pinaplano. Pinatakbo ako ng partido bahala na si Lord. Hindi ako umaatras.”

Ito ang naging pahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay sa pagtakbo niya sa pagkapangulo sa Eleksiyon 2022.

Anang dating Philippine National Police chief, ipagpapatuloy niya ang sinimulang legacy ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling siya ang maluklok na susunod lider ng bansa.

“I am here to continue the legacy. Buhay ko, kinabukasan ko, buhay ng aking pamilya isinusugal ko dito, malinis ang ating bayan sa problema sa droga,” wika niya.

“I am willing to gamble myself, my future kahit na wala na akong future i-gamble ko pa rin sa kabutihan ng bansa,” dagdag pa niya.

Nito lamang Biyneres nang maghain si Dwela Rosa ng kanyang certificate of candidcacy kasama ang Pangulo sa Sofitel Harbor Tent, Pasay City. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?