73

Nov 12, 2019 @ 17:26
By

Bato sa pagkamatay ng 2 kadete: Minalas lang

“Minalas lang!”

Ito ang sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pagkamatay ng dalawang kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

“Minalas lang, they are two separate incidents. Yung isa hazing, ito namang death sa swimming pool kapabayaan ng mga instructor,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng ANC nitong Martes.

Noong Biyernes, natagpuang patay si Cadet Fourth Class Mario Telan Jr. sa pool isang oras matapos isagawa ang swimming exercise.

Si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio naman ay namatay dalawang buwan na ang nakakaraan dahil sa hazing.

Bagama’t wala umanong foul play sa pagkamatay ni Telan, dapat umanong managot ang instructor nito.

“Bakit’ yung kadete, non-swimmer, napabayaan doon na lumubog na pala hindi nila na-account so negligence ‘yan on the part of the instructors bakit napabayaan ‘yun,” ani Dela Rosa.

“They should be accountable for their actions… may namatay. ‘Pag may namatay, may mananagot,” dagdag pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?