102

Nov 21, 2021 @ 15:23
By

Bato sa mga nais ipabuwag NTF-Elcac: mga bwisit, namumulitika

Nagpahayag ng kanyang pagka-inis si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa mga miyembro ng oposisyon na nananawagan para sa abolisyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).

Inaakusahan ni Bato na ginagamit ang isyu para sa kanilang political agenda.

Sa isang panayam sa DZBB, hindi napigilan ni Bato ang mabwisit sa mga nais buwagin ang NTF-Elcac.

“Sabihin ko sa kanila—ito pangit pakinggan eh—pero bwisit sila,” ani Bato.

Sinabi rin ni Bato na naging matagumpay ang ahensya sa pagtigil ng terorismo.

“I-abolish kung kailan naging successful ‘yung ahensya sa paglaban sa terorismo, paglaban sa insurhensya, i-abolish nila?”

Dagdag pa niya, puro pamumulitika na lang daw ang iniisip ng oposisyon.

“Ano, puro pamumulitika na lang talaga ang iniisip nila? Na porke nasa oposisyon sila, gusto nila hindi maging successful itong administrasyong Duterte sa paglaban ng problema ng ating bansa, ganun na lang talaga ang utak nila? Bwisit,” saad nito.

Nauna nang kinwestyon ng ilang senador ang P28.1 bilyong budget ng NTF-Elcac sa kung paano ginagastos ng ahensya ang ganitong kalaking budget, kaya ibinababa ng ilan ang panukalang P4 bilyong budget na lamang para sa susunod na taon.

Iginiit naman ni Bato na maaring lumabas ang pagbabawas ng budget bilang hayagang pagsuporta ng S
senado sa NPA. (Sherrylou Nemis)
‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?