42

Oct 3, 2017 @ 16:52

Bato sa mga kritiko ni Duterte: Ingrato kayo!

Tinawag na ingrato ni Philippine National Police Chief, Director General Ronald Dela Rosa ang kanilang mga kritiko na patuloy binabanatan ang kanilang war on drugs.

Ayon kay Dela Rosa, nakikinabang naman daw sa peace and order na resulta ng war on drugs ang mga kritikong ito pero patuloy na minamasama ang ikinakasang anti illegal drugs operation ng PNP.

Nilinaw naman ni Dela Rosa na wala siyang partikular na taong pinapatamaan.

Pero sana mapagtanto ng mga kritikong ito na dahil sa maigting na war on drugs ng PNP nakakapasok sa eskwelahan ang kanilang mga anak na walang kaba, walang takot dahil bibihira na ang krimen sa kalsada.

“Ako prangka ako na tao, you can criticize us to high heavens but i can tell you straight sa inyong mga mata, kayong mga critics, sabihan ko kayo: ingrato kayo!,” sabi ng PNP chief.

“Alam ko nakikinabang din kayo sa peace and order na idinulot sa atin ng war on drugs,” dagdag pa nito.

Tanggap naman ni Dela Rosa na minsan ay may pagkakamali sila pero sana aminin din ng mga kritikong ito na nakikinabang sila sa war on drugs. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?