152

Dec 15, 2017 @ 13:58
By

Bato sa mga drug lord sa NBP: Itigil n’yo na ang illegal drug trade sa loob

Kahit na hindi natuloy agad sa pag-upo bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor), binalaan pa rin ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa ang mga drug lord sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa hepe, posibleng ilipat siya sa BuCor kapag natapos na niya ang pinapagawa sa kanya ng Pangulo sa PNP.

Kung matuloy man aniya ang kanyang paglipat, ang una niyang gagawin ay ang i-account ang lahat ng mga drug lord sa naturang piitan at siguruhin na hindi na maipagpapatuloy ng mga ito ang kanilang drug transactions sa loob ng bilibid.

“Kung makipagbarilan sila sa akin e di madugo. Kung makipagpatayan sila sa akin e di madugo, pero kung hindi sila lalaban sa akin peaceful. Basta ihinto nila ‘yang drug trafficking na ginagawa nila sa loob,” babala ni Dela Rosa.

Matatandaang bago inanunsiyo ng Pangulo ang extension ng termino ni Dela Rosa ay una nang inihayag ng Malacañang ang pag-upo ng hepe BuCor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?