84

Oct 2, 2017 @ 12:02

Bato: Retraining sa pulis Caloocan, hindi parusa kundi pagmamalasakit

Nilinaw ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na hindi parusa sa halip pagmamalasakit ang kanilang gagawin retraining sa mga pulis Caloocan na una nang sinibak matapos ang mga kontrobersya na pagpatay sa mga menor de edad sa lungsod at ang hindi pagsunod sa police operation sa pagsasagawa ng raid.

Ayon kay Dela Rosa, nais niyang paalalahahan ang mga pulis Caloocan na isapuso ang pagiging maka-Diyos, makatao at makabayan habang tinutupad ang kanilang tungkulin bilang pulis.

Kanina, nagtungo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang PNP chief para mismong makaharap ang mga police Caloocan na nagsimulang mag-retraining kahapon.

Ang mga nasibak na pulis Caloocan ay pinalitan ng mga police personnel galing sa Regional Public Safety Batallion at iba pang PNP units na gustong magboluntaryong magpatalaga sa Caloocan PNP. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?