14

May 24, 2021 @ 14:41
By

Bato pinalalantad mga nagkamali sa PNP-PDEA misencounter

Dapat umanong may ‘bayag’ na umamin sa kanilang pagkakamali ang mga sangkot sa misencounter sa pagitan ng mga pulis at anti-drug operative sa Quezon City noong Pebrero.

Ito ang sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, sa pagbubukas na imbestigasyon ng Senate public order and dangerous drug committee, sa naturang insidente kung saan dalawang pulis, isang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent at isang informant ang nasawi.

“We cannot and should not tolerate what happened in this incident, mananagot ang kailangang managot,” pahayag ni Delsa Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief sa kanyang opening statement.

“Alam niyo, kung sino man ang nagkamali dito, sana may bayag tayo na humarap at aminin kung sino ang nagkamali. The truth will set us free,” dagdag nito.

Ang pagdinig na inisyal sanang nakatakda noong Marso 2 ay dalawang beses nang naipagpaliban.

Sabi ni Dela Rosa, nagdesisyon ang kanyang komite na ituloy na ang pagdinig matapos ang isa na namang insidente ng misencounter ng mga operatiba ng PNP at PDEA sa isang mall sa Quezon City noong nagddaang linggo.

“Lumamig na sana itong issue na ito, kumalma na sana, pero nangyari na naman itong sa Novaliches, baka sabihin na naman ng mga tao na masyado na kaming nagpabaya sa Senado, particularly ang committee on dangerous drugs,” ayon kay Dela Rosa.

“Bakit nangyari na naman ito? Kung nangyari na naman ito, parang hindi na tayo natuto. Kaya this committee deemed it proper to continue itong nate-tenggang imbestigasyon,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?