144

Mar 4, 2020 @ 18:17
By

Bato, Pacquiao, 11 iba pa, pabor na magpatuloy ng operasyon ang ABS-CBN

Labingtatlong senador, kabilang ang ilang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang naghain ng resolusyon na humihikayat sa National Telecommunications Commission (NTC) na pagkalooban ang ABS-CBN na mag-operate habang tinatalakay sa Kongreso ang kanilang franchise renewal.

Ang senador na naghain ng Senate Resolution No. 344 ay sina Sens. Pia Cayetano, Ronald “Bato” Dela Rosa, Christopher ”Bong” Go, Imee Marcos, Ramon “Bong” Revilla Jr, Francis Tolentino, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri, Manny Pacquiao, Sonny Angara, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, at Nancy Binay.

Nakatakdang magpaso ang prangkisa ng network sa Mayo 4, 2020.

Una rito, naghain naman ng concurrent resolution ang ilang senador na pumapabor sa pagpapatuloy ng oeprasyon ng ABS-CBN at ng kanilang Sky Cable Corporation habang dinidinig ang kanilang prangkisa ngayong 18th Congress.

Sa Concurrent Resolution No. 8, gusto ng siyam na senador na mag-isyu ang National Telecommunications Commission na ng provisional authority para makapag-operate ang ABS-CBN Corporation at Sky Cable Corporation.

Ang mga author ng resolusyon ay sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Sonny Angara, Joel Villanueva, Grace Poe, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Lito Lapid at Manny Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?