96

Oct 21, 2021 @ 18:41
By

Bato ng baboy gumana sa tao

Tagumpay ang mga siyentipiko sa US na kabitan ng bato ng baboy ang isang tao.

Sa ulat ng Fox 9, isang patay na tao ang kinabitan ng bato ng baboy at inobserbahan ito ng dalawang araw.

Ikinamangha ng mga siyentipiko nang maging normal pa rin ang takbo ng katawan ng tao kahit bato na ng baboy ang nakakabit.

“It had absolutely normal function,” pahayag ng lider ng surgical team na si Dr. Robert Montgomery. “It didn’t have this immediate rejection that we have worried about.”

Inilarawan ng mga siyentipiko na isang ‘significant step’ ang naturang eksperimento sa layunin na makabitan ng organ ng mga hayop ang mga tao.

“This is an important step forward in realizing the promise of xenotransplantation, which will save thousands of lives each year in the not-too-distant future,” saad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?