166
ABANTE-TNT BATO DELA ROSA QUIAPO TRASLACION
Jan 9, 2018 @ 17:57

Bato naglakad patungong Quiapo Church

Halos hindi mahulugan ng karayom ang kapal ng mga deboto sa nagaganap na traslacion ng Itim na Nazareno kaya’t napilitan si Philippine National Police (PNP) Police Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maglakad mula Quezon Boulevard patungong Quiapo Church.

Dahil sa kapal ng volume ng mga deboto ay umakyat ang hepe sa center island papuntang simbahan ng Quiapo.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 2.5 milyon ang deboto na dumalo sa pista ng Black Nazarene, ayon sa ulat.

Samantala, tiba-tiba naman ang mga nagtitinda sa lugar dahil sa pagdagsa ng mga deboto na hindi maaaring hindi bumili dahil sa gutom at uhaw sa mahabang oras na paghihintay sa andas ng Nazareno sa paligid ng Quiapo.

Kawawa naman ang mga naglakad nang nakapaa dahil natusok ng mga sticks na basta lamang itinatapon matapos gamitin sa mga kinain tulad ng banana cue at fish balls.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?