118

Feb 19, 2020 @ 16:00
By

Bato nag-sorry sa ABS-CBN

“Pasensya na po kung kayo ay nasaktan.”

Ito ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa mga kawani ng ABS-CBN Corporation matapos niyang sabihin noong Martes na mas prayoridad niya ang kapakanan ng milyong Pinoy kaysa 11,000 kawani na mawawalan ng trabaho kung magsara ang naturang network.

“Pasensya na po kung kayo ay nasaktan. Ang tingin ko po ay ang buong kapakanan ng buong bansang Pilipinas, kasama na po kayo doon, ‘di po ito exclusive kapakanan po ng buong bansa ang inisip natin,” pahayag ni Dela Rosa panayam sa CNN.

“Hindi na pabayaan na kung may mali magpatuloy ang mali. Tayong mga mahihirap lalo tayo kinakawawa ng mga oligarch na ito, hindi pwede yun, hindi fair yun, dapat pantay ang laban. Hindi yung iisahan tayo porke mahirap tayo,” sambit pa nito.

Sabi ni Dela Rosa, kung mapatunayang na pinagsamantalahan ng ABS-CBN ang Sambayang Pilipino, nararapat lang aniya hindi na bigyan ito ng panibagong prangkisa.

Pero kung mapatunayan aniya sa gagawing pagdinig ng Senado sa franchise bill ng ABS-CBN, itutulak aniya na ma-renew ang prangkisa nito.

“If during the hearing ma-establish natin na itong ABS-CBN pala ay isang Santo at hindi makasalanan, so ako mismo I will push para ma-renewal ng franchise,” sabi ni Dela Rosa.

“At ako mismo ang magsasabi kay President na “Sir mukhang mali yung information na dumating sa iyo, ganito ganito pala ang tama. Ako mismo hindi ko hahayaan na mangibabaw ang mali, dapat ang tama lang, you tell the truth, yang dapat ang lalabas,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?