133

Oct 31, 2017 @ 11:43

Bato, nag-host ng trick-or-treat sa mga anak ng pulis

Pinangunahan ni Philippine National Police chief Ronald  “Bato” Dela Rosa ang pamamahagi ng mga Halloween treats sa mga kabataan sa camp crame kahapon.

Ang aktibidad ay bahagi ng tradisyunal na “trick or treat” kung saan ang mga anak ng mga pulis at non-uniformed personnel ay bumibisita sa iba’t ibang tanggapan sa kampo na naka-suot ng Halloween costume.

Bilang bahagi ng aktibidad, may premyo ring ipinamahagi para sa “best costume” at “best office decoration” na iginawad ni PDDG Ramon Apolinario.

Kaugnay ng paggunita ng Undas, aktibong magmomonitor ang PNP chief sa pagpapatupad ng “Oplan kaluluwa” sa araw na ito hanggang bukas.

Naka “heightened alert status” ang PNP National Headquarters. Ang ibig sabihin nito, 50 percent ng personnel sa NHQ ay inaasahan niyang ready for deployment kung kakailanganin.

Naka-full alert status naman ang lahat ng PNP Regional Offices sa buong bansa Kung saan 100 percent ng kanilang mga pwersa ang naka-duty sa panahon ng Undas. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?