68

Oct 9, 2017 @ 12:20

Bato ‘naduwag’ kay Koko

Ayaw makipag-away ni Philippine National Police chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kay Senate President Aqulino Koko Pimentel.

Ito’y matapos na kuwestyunin ng senador ang peace and order sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Dela Rosa bilang PNP chief.

Ayon kay Dela Rosa, mas maiging tanungin ng senador ang mga ordinaryong tao upang malaman ang totoo.

“Unang-una, yung kay Senator Koko Pimentel ako ay isang pulis lang hindi ako makipag-away sa isang Senador Senate President yan,” pahayag ni Dela Rosa.

“Pero kung nagtatanong sya ng peace and orderd dapat hindi ako ang tanungin nya, ang tanungin ang mga ordinaryong tao sa kalsada kung ano pakiramdam kung may pagbabago ba talaga,” dagdag pa nito.

Nauna nang kinuwestiyon ni Pimentel ang peace and order sa bansa matapos ang pagpatay sa isang konsehal at anak nito sa Puerto Galera sa Mindoro.

Giit ni Dela Rosa agad na naresolba ang krimen dahil naaresto kaagad ang suspek sa pamamaril.

Kung tatanunin naman daw sila kung paano maiiwasan o mapipigilan ang mga ganitong krimen hindi naman daw nila kontrolado ang utak ng mga kriminal. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?