1,016

Feb 21, 2020 @ 19:24
By

Bato nadamay sa gulo sa Sarah-Matteo wedding

Pinuntirya ng mga netizen si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa nangyaring gulo sa kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Sabi ng netizen na si @pinoymommy, sigurado siyang si Dela Rosa ang nagsumbong sa nanay ni Sarah na si Mommy Divine ng tungkol sa kasal para mailipat ang atensiyon dito at hindi na siya ang mag-trending.

“Sure ako na si #BatoResign ang nagsabi kay Mommy Divine about the wedding para hindi na siya maging trending,” biro ni @pinoymommy na nilagyan pa niya ng face with tears of joy emoji.

Magugunitang nag-trending ng ilang araw ang dating Philippine National Police chief dahil sa pahayag nitong ano kung mawalan ng trabaho ang 11K empleyado ng ABS-CBN kapag hindi na-renew ang prangkisa nito kumpara sa Filipino nation na matagal nang pinagsamantalahan ng media company.

Nanawagan pa ng pagbibitiw niya ang mga netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?