90

Nov 24, 2021 @ 16:55
By

Bato mula sa bulkan sa Japan umabot sa Batanes

Umabot sa Batanes ang mga bato mula sa bulkang sumabog noong Agosto sa Japan.

Galing ang mga bato sa pagsabog ng Fukutoku-Okanoba, isang bulkan sa ilalim ng dagat sa Bonin Island sa Japan na matatagpuan higit sa 2,000 kilometrong layo sa Batanes at Aparri, Cagayan.

Ang mga volcanic debris at pumice stone ay maaring magdulot ng panganib sa mga lamang dagat.

Pahayag ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Philvocs) nitong Martes, ang mga bato at abo na ito ay maaaring makapinsala sa mga bangka at makina nito, maari ring mamatay ang mga isda kapag nakain ang mga ito.

Pinaalalahanan din nito na iwasan ng mga tao ang paglangoy dahil sa kontaminasyon mula sa leached volcanic sulfur.

Unang namataan ang mga bato noong Nobyembre 21 sa mga cove ng Sabtang island na ayon sa Phivolcs ay inanod sa Pilipinas. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?