48

By

Bato magpapapugot kapag napatunayang state-sponsored ang EJKs

Ipapapugot ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang ulo kung mapatunayan na “state-sponsored” ang sinasabing pagkamatay ng mahigit 22,000 katao sa war on drugs ng pamahalaan.

“I will let my head cut off if this is state-sponsored. Come here and cut my head off if this is state-sponsored ‘yung alleged EJKs. You can come down and cut my head if this is state-sponsored. Tapos ang usapan,” ito ang pahayag ni Dela Rosa sa isang press conference sa ikalawang anibersaryo ng Drug Enfocement Group sa Camp Crame kung saan siya ang guest of honor ng programa.

Ang pahayag ni Dela Rosa, na dati ring Philippine National Police chief, ay kaugnay ng pagkakapasa ng resolusyon ng United Nations Human Rights Council na pinaimbestigahan ang mga namatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Hamon ni Dela Rosa sa UN, pumunta sila sa Pilipinas at hanapin ang lahat ng sinasabing 22,000 biktima umano ng extrajudicial killing (EJK).

Giit pa ng senador, mali ang impormasyon na nakarating sa UN dahil mahigit 6,000 lang ang mga namatay na mga drug suspect matapos manlaban ang mga ito sa mga pulis.

“Sige hanapin niyo ‘yung 22K na ‘yan. Isa-isahin nating imbestigahan kung makita niyo ‘yan, magpasalamat pa ako sa inyo. I challenge them: you produce these 22K cases including ‘yung mga taong nagbigay sa inyo ng impormasyon, ‘yung mga taong nag-mislead sa inyo with these numbers. Produce niyo ‘yan one by one, isa-isahin natin. ‘Wag niyo i-lump up at you come up with a conclusion na isahang imbestigasyon,” saad pa ni Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?