51
views
bato
By

Bato, mag-aaral muna ng penal system bago magtrabaho sa BuCor

Sharing is caring!

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na pag-aaralan niya ang penal system o correctional system bago siya umupo bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) sa mga susunod na buwan.

Paliwanag ni Dela Rosa, hindi lang sa pagsugpo sa iligal na droga sa BuCor ang kanyang magiging trabaho.

Kinakailangan niya rin aniya na ayusin o mapabuti pa ang penal system ng BuCor.

Giit nito, ang dahilan ng pagkakaroon ng problema sa iligal na droga ay dahil sa may mali sa correctional system, bagay na kailangan na aniyang maayos.

“Yes totoo ‘yun. Ang pagiging director general ng BuCor hindi lang naman ‘yan para sa war on drugs kundi BuCor as a whole, saka ‘yung correctional system natin sa Pilipinas paano natin mapapa-improve. Kaya nagkakaroon ng problem sa drugs dahil may problema sa correctional system. Kailangan ma-address ‘yan,” sinabi ni Dela Rosa.

Humingi naman ng bakasyon ang outgoing PNP chief kay Pangulong Rodrigo Dutert bago umupo sa BuCor.

Nais ni Dela Rosa na magkaroon ng quality time sa kanyang pamilya bago muling sumabak sa trabaho.

Si Dela Rosa ay 36 taong nagserbisyo sa PNP kasama na ang pagpasok nito sa Philippine Military Academy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?