53

By

Bato kay Duterte: Ganun mo pala ako kamahal

Kakausapin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng kanselasyon ng kanyang US visa na nag-udyok sa Pangulo na ikonsidera na putulin na ang Visiting Forces Agreement ng bansa sa Amerika.

“Magpasalamat talaga ko, ‘sir di ko alam na ganun mo pala ako kamahal na ganun mangyari’,” pahayag ni Dela Rosa sa mga reporter.

“But as I have said, kahit sinong senador siguro ang ganun ang mangyari, ganun ang maging reaksyon ng Presidente,” dagdag nito.

Ayon sa dating Philippine National Police (PNP) chief, hihikayatin din niya si Duterte na balewalain na lang ang isyu ng kanselasyon ng kanyang US visa subalit ang pinal aniyang desisyon ay nasa Presidente pa rin.

“Pwede ko siyang sabihin na: ‘Sir, okay lang. Pabayaan mo na lang kung walang visa.’ But the decision is still nasa kanya kung papatuloy niya ‘yung mga gusto niyang gawin,” sabi pa nito.

Samantala, sa panayam sa DZBB, sinabi naman ni Dela Rosa na hihikayatin niya ang Pangulo na tanggapin ang imbitasyon ni US President Donald Trump na dumalo sa US-ASEAN Summit sa Las Vegas sa Marso.

Sabi ni Dela Rosa ang presensiya ni Duterte sa US ay magpapakita kung gaano ka-independent ang foreign policy ng Pilipinas.

“Sabihin ko sa kanya na, sir, para ma-prove natin to the whole world that our independent foreign policy is real eh puntahan mo ‘yung Amerika,” sabi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?